Early 2000's nung nag bloom ang Nursing sa Pilipinas. Kaya naman nung ako ay grumaduate nung 2006, kasama ito sa mga top choices ko na kukuning kurso. Sa tadyo at telebisyon, naglipana ang pag alis ng mga nars sa bansa, sa ibat ibang panig ng mundo, nangangailangan sila ng mga nars. Kaya naman hindi na ako nagdalawang isip pa na yun na ang kunin kong kurso. Ang akala kong makakapagsalba sa aking pamilya, mas magpapahirap pa pala. Mali ang akala ko.
Came 2007, hindi na in demand ito, pero hindi parin ako nawawalan ng pag-asa. 2nd year ako noon. ang sabi ko sa sarili ko, hindi naman siguro mauubusan ng trabaho. Mali nanaman ako. Nagsisisi ako kung bakit hindi ako nagshift. Sana nag Medtech, Pharm, Bio o PT nalang ako.
2010 ako nung grumaduate, the same year kumuha na din ako ng NLE, salamat naman at pumasa agad ako, tuwang tuwa ang pamilya ko dahil ang akala nila makakatulong na ako. Mali sila ng akala. Pati ako.
Soon after you passed the board, Kailangan mong magparegister para maisama ang name mo sa mga roster of professionals. Php 900 ang bayad ng pagpaparegister. (if im not mistaken) Php 400 naman ang bayad para sa membership fee ng PNA. pero optional lang naman daw yun. Ang oathtaking naman ay nasa Php 500 yata per person. (Good thing inalis na ngayon ng BON ang Mass Oathtaking)
After mong natapos yang process na yan, kailangan mo naman ng supplemental Seminar and trainings. Maghahanap ka ngayon sa internet. Ang Basic Requirements para makapasok sa hospital ay:
- 3-Day Basic IV Therapy Training (3year ID validity)
- Basic Life Support (BLS) (1year ID validity)
Ang Basic IVT ay nasa Php 4500. depende sa hospital o institution ng pagttrainingan mo. Ang BLS naman ay Php 1000, 1 day yun. depende parin sa hospital na pagttrainingan mo.
Ang Gastos di ba. Ganyan ka gastos ang Nursing mga ate at Kuya. Bukod pa sa daang daang libo na nagastos mo nung nagaaral ka pa, Madami pa rin ang gastos pag grumaduate at nakapasa ka na.
At pagkatapos mong mag training, Maghahanap ka na ng mapapasukan mo. Maswerte ka kung may kilala ka sa mga Hospital o Pulitiko, madali kang makakapasok. "Palakasan" din naman ang labanan. Kung wala kang Backer, malas ka, dahil kung hindi ka maghahanap ng ibang mapapasukan, magiging tambay ka nalang.
Dun nag umpisa ang JOB MISMATCH. oo nga naman, Mag trabaho ka nalng sa call center o sa mga SPA, kaysa naman maging tambay.
Kung makakapasok ka naman sa HOSPITAL, volunteer ka muna, hindi mo rin alam kung maaabsorb ka sa system nila. kaya mahirap din. except nalang kung malakas ang backer mo.
Naging isyu pa nga yung VOLUNTEERISM na yan. kasi yung ibang hospital, babayaran mo pa, bago ka makapag volunteer. Imagine that. Ikaw na ang magseserbisyo, ikaw pa ang magbabayad. May pangangailangan din naman ang mga nurses. We should get paid for our professional service, What is the difference of a volunteer and a staff Nurse when they have the same tasks and workload?
Over 300,000 Nurses (more or less) are unemployed, underemployed. Sen. Franklin Drilon promises 12,500 new jobs for nurses over the months. But what about the rest? Dr. Barcelon, the president of PNA, says that its best to look for Alternatives. Some of these are:
Medical Transcriptionist
Clinical Research Assistant
Company Nurse
TeleNurse (BPO nurses)
Dun naman sa mga bagong Pasang Nurses, Wag na kayong magreklamo kung tinaggal na ng BON ang Mass Oathtaking. DApat nga magpasalamat pa kayo. Kasi magagastusan lang kayo. Kahit naman mag oath kayo, kung hindi naman taos sa puso nyo yung oath nyo, wala din diba. Mag Silent Oath nalang kayo kay Lord, sa sarili nyo, at sa mga magiging pasyente nyo.
Mag concentrate nalang kayo sa Registration nyo. Here are the Requirements :
- Duly accomplished Oath Form or Panunumpa ng Propesyunal Download Oath Form here
- Current Community Tax Certificate (cedula)
- Two (2) pieces passport size pictures with name tag (for Oath Form and Certificate of Registration)
- One (1) piece 1”x1” picture in plain background with complete name tag (for Registry of Professionals)
- Two sets of metered documentary stamps (for Oath Form and Certificate of Registration)
- One (1) short brown envelope with name and professional.
Yes, Being a Nurse is the most noblest profession, pero sana we also get the same noblest treatment that we deserve. Mali ang akala nyo.